MAS maraming torneo ang inaasahang raratsada sa professional sports, ngunit masinsin pa rin ang pagpapatupad ng ‘safety and health’ protocol batay sa supplemental guidelines ng Joint Agreement Order (JAO) na pinaaprubahan ng Games and Amusements Board sa Inter- Agency Task Force (IATF).

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ang supplemental guidelines ay mas magpapatibay sa rules and regulation na ipinatutupad sa bubble training at kompetisyon.

MITRA

MITRA

“This 2021, we will implement the provisions of the supplemental guidelines or Supplemental JAO,” pahayag ni Mitra sa panayam ng DZRH nitong Biyernes. “This new order will really determine the future of all sports events in the country this year.”

BALITAnaw

'Chapter closed:' Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

“But we will continue holding our sports events in accordance with the latest government directives to ensure the safety of our pro athletes and the general public, whether it is a full athletic bubble, open or closed-circuit – we will make sure that GAB is on top of everything,” ayon sa dating Palawan Governor at Congressman.

Sinabi ni Mitra na magsasagawa ang GAB ng konsultasyon via Zoom sa lahat ng stakeholders ng pro sports sa Lunes upang makuha ang kanilang mga opinyon at hinaing hingil sa naturang supplemental guidelines na plano rin ng GAB na maipalathala sa lahat ng national newspapers para sa kaalaman ng lahat.

Iginiit ni Mitra na sa kabila ng progreso sa laban sa COVID-19 at sa kahandaan ng pamahalaan na makabili na ng bakuna, kailangan pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘safety and health protocols’.

“We have to remember that we are still under General Community Quarantine and a new corona virus strain threat,” aniya.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Health at Philippine Sports Commission (PSC) nabuo at naipa-aprub ang JAO nitong Hulyo na naging daan para payagan ang unti-unting pagbabalik ensayo at kalaunan’y torneo sa pro basketball, football, boxing, combat sports, horseracing at sabong.

-Edwin Rollon