Twenty years old na ang kambal ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi last January 6, kaya naman naghanda sila ng birthday salubong para sa mga anak sa kanilang bahay.
Sa Instagram ibinahagi ni Carmina ang ilang videos at photos ng kanilang celebration.
“Happy Happy Birthday to our super twins @mavylegaspi @cassy. We love you so much. Best birthday gift ever! Thank you so much GOD!” pagbati niya sa kambal.
Maganda ang pasok ng bagong taon para kina Mavy at Cassy dahil pareho silang magiging busy sa kani-kanilang career. Pareho silang may sisimulang programa sa GMA.
Si Cassy ay nasa upcoming romantic primetime series na First Yaya at makakasama niya sina Gabby Concepcionat Sanya Lopez.
Si Mavy naman ay magiging part ng youth comedy-gag-variety show na Flex na malapit nang mapanood sa GMANews TV.
Napapanood rin ang kambal sa Sarap Di Ba? Bahay Edition every Saturday with Carmina and Zoren, at 10AM, at sa All-Out Sundays, 12:00 noon, sa GMA-7.
Hindi lamang ang kambal ang busy dahil si Carmina ay may ginagawa rin ngayon para sa GMAAfternoon Prime, ang Babawiin Ko Ang Lahat at si Zoren naman ay sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
-NORA V. CALDERON