WALANG makapipigil sa layuning maisulong ang programa para sa kalusugan at paigtingin ang kamalayan sa cycling sa Pru Life UK.
Sa gitna ng lockdown, isusulong ang PRURide PH, sa pagkakataong sa pamamagitan ng PRURide Virtual Challenge on Pulse ngayong taon .
Bukas para sa lahat ng Pulse users, libre ang pagpapatala sa PRURide PH, sa pakikipagtulungan ng Garmin, tanyag sa programa sa aspeto ng aviation, marine, automotive, outdoor, at fitness markets. Sa paggamit ng Pulse-compatible wearables na available sa Android at iOS, tulad ng Garmin smartwatch, mistulang personal ang karera na lalahukan.
“These challenging times have highlighted the benefits of cycling. Not only is the activity an antidote to our mostly sedentary lifestyle, but it is also an ideal mode of transportation that promotes social distancing. These advantages encourage us to go ahead with our annual PRURide PH, but in a way that is more attuned to the new normal,” pahayag ni Pru Life UK SVP and Chief Customer Marketing Officer Allan Tumbaga.
Para makasali, kialangan i-download ang Pulse app na libre sa Android at iOS device. Makapipili ang mga kalahok nang saalihang programa tulad ng 30KM, 60KM, 500KM, at 1,000KM.
Inaanyayahan ding lumahok ang pamilya sa Pulse Cycling - PRURider community at makakuha ng pagkakataon n a magwagi sa special prizes na Best Decorated Bike, Best Christmas- Themed Family Photo with Bike, at Best Kid Costume Photo na nakabike.
“PRURide PH has always been an inclusive festival for all cyclists, from beginners to professionals. In addition to providing our participants with an extraordinary cycling experience, we also want Filipinos to have an opportunity to have fun even amid tough circumstances. Cycling is an excellent way to start building holistic wellness management and healthy habits,” sambit ni Tumbaga.
Para sa karagdagang impormasyon, visit www. prulifeuk.com.ph o Pru Life UK Facebook page at facebook.com/ prulifeukofficial.