Umaksyon na ang kongresista laban sa planong pagtataas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) contribution ng mga manggagawa sa kabila ng pandemya.

Ito ay nang maghain ng panukalang batas ang 54 kongresista mula sa iba’t ibang partido upang ipasuspindi ang pagpapatupad ng Philhealth premium increase alinsunod sa Republic Act 11223 (Universal Health Care Act).

“The massive displacement of workers and harsh economic conditions brought about by the pandemic should be considered as a fortuitous event... for the suspension of a premium rate contribution by the state insurance firm,” ayon sa resolusyon ng 54 na mambabatas.

Iniharap ang resolusyon matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng premium rate increase at matapos ihayag ni Speaker Lord Allan Velasco na determinado ang Kapulungan na repasuhin ang nasabing UHC.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Bert de Guzman