Kahit tapos na ang MMFF 2020, patuloy pa rin ang tinatamasang tagumpay ng Fan Girl na pinagbibidahan ng aktor na si Paulo Avelino at ng tinaguriang ‘A star is Born’ na si Charlie Dizon, at hinirang na Best Actress ng said film event.

Patuloy ang pag-ani ng Fan Girl ng positive reviews at papuri mula sa critics and moviegoers simula nang una itong ipalabas last December 25, via UPSTREAM.ph.

At dahil sa kakaibang chemistry at bilang leading lady, nais daw ni Paulo na masundan pa ang ginawa nilang project ni Charlie.

“Bakit hindi? I’m sure magkakatrabaho pa kami ni Charlie in the future,” bungad ng MMFF best actor.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Naalala ng 32-year-old actor ang kanyang naging karanasan habang ginagawa nila ni Charlie ang ilang intimate scenes sa Fan Girl.

“Mas na-shock ako kesa kay Charlie kasi ang dami talagang pinapagawa ni direk Tonette (Jadaone). Dalawa lang naman, either may ipagawa siya or wala siyang ipagawa, hindi na niya sinasabi kung ano ang gagawin ko. “Buti na lang nakakapag-adjust ako. Siguro it’s just being true to your character and to the material. Tapos eventually matatapos din naman yung mga eksena. Makakalimutan mo na. Gusto ni direk Tonette raw lagi yung nakukuhang reactions ni Charlie. Yung pinakanatulong ko lang dun is to make her feel comfortable na para at the end of the day it’s work, it’s a role, and we’re these characters. Parang huwag ka mag-alala, hindi kita babastusin, trabaho lang ‘to,” pahayag ni Paulo.

Bilang isanag bida, madalas ay good roles ang kanyang ginagampanan. Pero kung si Paulo lang raw ang masusunod, kahit na kontrabida na malayo sa kanyang real-life character at malayo sa kanyang boy-next-door image ay handa niyang gampanan.

“Marami naman akong nagawang kontrabida or masasamang or mga hindi likable na characters. At the end of the day, whether its likable or not, Itry to give my best for the character. Sa lahat naman ng pelikulang ginagawa ko medyo hands-on ako lagi dahil gusto ko mag-work lagi yung pelikula or at least lumabas siyang maganda. In this case, wala ako masyadong inputs, siguro sa mga eksena na lang,” lahad ni Paulo.

-ADOR V. SALUTA