MULING kumuha ng bagong coach ang National University para sa kanilang women’s volleyball program.

Hindi na ni-renew ng pamunuan ng NU ang kontrata ng dati nilang coach na si Norman Miguel noong Nobyembre 15. Ipinalit sa kanya si dating University of the East head coach Karl Dimaculangan. Ayon kay Miguel, personal niyang desisyon ang hindi na pagbalik sa kanyang puwesto bilang coach ng Lady Bulldogs.

“I’m devoting my full time with our family at home,” pahayag ni Miguel. “This pandemic made me realize so many things, including family.” Si Miguel ang pumalit sa dating coach ng Lady Bulldogs na si Babes Castillo noong UAAP Season 81.

Si Dimaculangan na produkto ng University of Santo Tomas ang magiging ika-6 na coach ng NU sa loob ng walong taon kasunod nina Francis Vicente, Dong Dela Cruz, Roger Gorayeb, Babes Castillo, at Miguel ayon sa pagkakasunud-sunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

-Marivic Awitan