MIAMI (AP) — Ikinadismaya ng ilang NBA teams at players ang pangugulo sa US Capitol ng mga tagasuporta ng natalong presidente na si Donald Trump nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) gayundin ang naunang desisyon ng Wisconsin prosecutor na ibasura ang reklamo sa isang police officer na nakapatay sa isang Black American sa nakalipas na taon.
Sa Miami, isang nagkakaisang pahayag ang inilabas ng Heat at oston Celtics na nagsasabing itinuloy nila ang laro “with a heavy heart”. Nakaluhod, imbes na nakatayo ang mga players nang pumailanlang ang Pambasang Awit. Ganito rin ang tanawin at sitwasyon s alaro ng Bucks at Detroit Pistons sa Milwaukee.
Sa kaagahan ng Miyerkoles, sinugod nang mga tagasuporta ni Turmph ang Kapitolyo na naging daan para mabinbin ang isinasagawang sertipikasyon sa naging resulta ng eleksiyon nitong Nobyembre kung saan nagwagi si Joe Biden.
“It’s an embarrassing and shameful day in our country,” pahayag ni New Orleans coach Stan Van Gundy.
Nauna rito, inilabas ng Wisconsin prosecutor ang dedisyon na hindi kakasuhan ang police officer na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Jacob Blake sa Kenosha, Wisconsin. Ang naturang ‘racial injustice at police brutality’ ang isyu na naging dahilan s aprotesta ng NBA players.
“2021 is a new year, but some things have not changed. We play tonight’s game with a heavy heart after yesterday’s decision in Kenosha, and knowing that protesters in our nation’s capital are treated differently by political leaders depending on what side of certain issues they are on,” ayon sa opisyal na pahayag ng Miami-Boston.
BUCKS 130, PISTONS 115
Sa Milwaukee, hataw si Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 25 puntos, habang tumipa si Khris Middleton ng 23 puntos sa panalo ng Bucks kontra Detroit Pistons nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
CELTICS 107, HEAT 105
Sa Miami, Naisalpak ni Payton Pritchard ang putback may two-tenths of a second ang nalalabi para gabayan ang Boston Celtics sa makapigil-hiningang panalo.
PACERS 114, ROCKETS 107
Sa Indianapolis, ginapi ng Pacers, sa pangunguna ni Malcolm Brogdon na kumana ng career-high 35 puntos, ang Houston Rockets.
SIXERS 141, WIZARDS 136
Sa Philadelphia, naisalba ng Sixers, ang record-tying 60 puntos na performance ni Bradley Beal, sa matikas na panalo laban sa Washington Wizards.
Hataw si Joel Embiid sa naiskor na 38 puntos para sa Sixers.
Sa iba pang laro, naitala ng New York Knicks ang ikatlong sunod na panalo nang biguin ang Utah Jazz, 112-100.