WASHINGTON (AFP) — Kinondena ng bawat nabubuhay na dating pangulo ng United States noong Miyerkules ang karahasan ng nagkakagulong mga tao na sumugod sa gusali ng Capitol sa Washington, na nagpuwersa sa mga mambabatas na tumakas sa kaligtasan at ikinamatay ng isang babae.

Sinugod ng mga taga-suporta ni United States President Donald Trump ang U.S. Capitol sa idinaos na rally sa Washington, DC, upang tutulan ang ratipikasyon ng  pagkapanalo ni President-elect Joe Biden laban kay Trump nitong Enero 6.  AFP

Sinugod ng mga taga-suporta ni United States President Donald Trump ang U.S. Capitol sa idinaos na rally sa Washington, DC, upang tutulan ang ratipikasyon ng pagkapanalo ni President-elect Joe Biden laban kay Trump nitong Enero 6.
AFP

Ang madla, na binubuo ng mga tagasuporta ni President Donald Trump, ay tutol sa sertipikasyon na isinasagawa sa Kongreso ng pagkapanalo ni Joe Biden sa halalan sa pagka-pangulo noong Nobyembre.

Tinawag ni George W. Bush ang mga kapwa Republicans para sa paggatong ng “insurrection,” na inihahalintulad ang sitwasyon sa isang “banana republic.” “I am appalled by the reckless behavior of some political leaders since the election and by the lack of respect shown today for our institutions, our traditions and our law enforcement,” sinabi ni Bush sa isang pahayag, na pasimpleng patama kay Trump. Sinisi rin ni Barack Obama ang Republicans at si Trump, “who has continued to baselessly lie about the outcome of a lawful election,” sinabi niya sa isang pahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tinawag ng pinakahuling hinalinhan ni Trump ay ang insidente na “a moment of great dishonor and shame for our nation.”

Tinuligsa ni Bill Clinton ang kaguluhan bilang “unprecedented assault” sa US Capitol at sa mismong bansa. “Today we faced an unprecedented assault on our Capitol, our Constitution, and our country,” sinabi ng dating Democratic president sa isang pahayag.

“The match was lit by Donald Trump and his most ardent enablers, including many in Congress, to overturn the results of an election he lost.”

At ang pinakamatandang miyembro ng eksklusibong club, ang 96-taong-gulang na Democrat na si Jimmy Carter, ay nagsabing siya ay “troubled” sa mga eksena nitong Miyerkules, na tinawag niyang “national tragedy.”

“We join our fellow citizens in praying for a peaceful resolution so our nation can heal and complete the transfer of power as we have for more than two centuries,” sinabi niya sa isang pahayag.

‘Assault on democracy’

Nagpahayag ng pagkabigla at galit ang mga lider ng mundo at mga gobyerno sa pagsalakay sa US Capitol sa Washington ng mga tagasuporta ni Trump.

Kinondena ni British Prime Minister Boris Johnson sa Twitter ang “disgraceful scenes in U.S. Congress. The United States stands for democracy around the world and it is now vital that there should be a peaceful and orderly transfer of power”.

Kinondena naman ng EU’s foreign policy chief ang “assault on US democracy”.

“In the eyes of the world, American democracy tonight appears under siege,” tweet ni Josep Borrell. Tinawag ang aksyon na “assault on US democracy, its institutions and the rule of law”, idinagdag niya: “This is not America. The election results of 3 November must be fully respected.”

Sinabi ni French leader Emmanuel Macron: “We will not give in to the violence of a few who want to question” democracy.

Sa video na ipinaskil sa kanyang official Twitter account, idinagdag na: “What happened today in Washington is not American”.

Nanawagan si German Foreign Minister Heiko Maas sa Trump supporters na “stop trampling on democracy”.

Nag-tweet si Prime Minister Justin Trudeau na ang mga eksena US Capitol ay isang “attack on democracy.” Kinondena ni Australian PM Scott Morrison ang “very distressing scenes” sa US.

Nag-tweet si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern: “Democracy - the right of people to exercise a vote, have their voice heard and then have that decision upheld peacefully should never be undone by a mob.”

“Shocking scenes in Washington, DC,” tweet naman ni NATO chief Jens Stoltenberg. “The outcome of this democratic election must be respected.”

“Horrible images from Washington D.C. Dear @realDonaldTrump, recognise @JoeBiden as the next president today,” sinabi ni Dutch Prime Minister Mark Rutte sa Twitter.

Si Indian Prime Minister Narendra Modi, kaalyado ni Trump na pinuspos mg papuri ang outgoing US president sa nakalipas, ay nagsabing siya at “distressed to see news about rioting and violence” sa Washington.

“We call on all parties in the US to maintain restrain and prudence. We believe the US will overcome this internal political crisis in a mature manner,” pahayag ng Turkish foreign ministry.

Sinabi ni Slovenia right-wing Prime Minister Janez Jansa, na sinuportahan si Trump at hindi pa binabati ang tagumpay ni Biden, ay nag-tweet: @All should be very troubled by the violence taking place in Washington D.C.”