Sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng saliva-based coronavirus testing sa bansa dahil sa mataas na accuracy rate nito.

Nabanggit ng Pangulo ang mura at mabilis na saliva test para sa coronavirus bilang isang alternatibong diagnostic test sa pulong kasama ang ilang mga opisyal ng gobyerno tungkol sa pagtugon sa pandemya sa Davao City nitong Lunes ng gabi.

“May bago daw, sabi naman nito ni (Senator Richard) Gordon na ang swabbing sa saliva is 99 percent (accurate). Oh eh ‘di iyan na ang gagamitin natin,” sinabi ni Duterte sa isinasagawang televised address.

Naunang nagpanukala si Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, ng posibleng COVID saliva testing sa paglalayong mbawasan ang halaga ng diagnostic tests sa bansa. Nagpahayag siya ng pag-asa na ang aplikasyon ng Red Cross para sa paggamit ng naturang test, na ginawa noong Oktubre, ay aaksyunan ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan. Sinabi niya na ang ibang mga bansa ay nagsimulang gumamit ng saliva test para sa COVID at nagpakita ng 99.9 porsyento na kawastuhan sa pagtuklas ng virus.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Ang saliva test kit ay iniulat na mas mababa ang gastos at nagbibigay ng mas mabilis na mga resulta kumpara sa mga nauna sa kanya tulad ng polymerase chain reaction testing na kasalukuyang ginagamit sa bansa. Noong Lunes, nanawagan ang Palasyo sa Food and Drug Administration na bilisan ang pagsusuri ng posibleng paggamit ng mabilis na COVID saliva test sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque Harry na ang naturang pagsubok ay magpapababa sa gastos ng COVID testing para sa mga Pilipino

Sa kasalukuyan, pinapayagan ng gobyerno ang pagsusuri sa PCR, itinuturing na gold standard, pati na rin ang rapid antigen test, upang makita ang coronavirus sa mga tao. Humigit kumulang 6.4 milyong katao ang kumuha ng COVID test na may 8.4 porsyento na pinagsama-samang positivity rate. Ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay tumaas sa higit sa 470,000 hanggang ngayong buwan.

-Genalyn Kabiling