DOHA/RIYADH (AFP) — Nagkasundo ang mga bansa sa Gulf Arab na tapusin na ang tatlong taong pagbara sa Qatar, at si Jared Kushner ay dadalo sa seremonya ng paglalagda kasunod ng kanyang shuttle diplomacy, sinabi ng isang opisyal ng US nitong Lunes.
“We’ve had a breakthrough in the Gulf Cooperation Council rift,”
sinabi ng opisyal na tumangging pangalanan, sa pagkumpirma sa anunsyo mula sa Kuwait.
Ang anim na bansang Gulf Cooperation Council at Egypt “will be coming together to sign an agreement that will end the blockade and put an end to the Qatari lawsuits,” sinabi ng opisyal.
Si Kushner, manugang ni President Donald Trump at pointman sa Gitnang Silangan, ay makikilahok sa paglagda sa isang Gulf summit sa hilagang-kanlurang lungsod ng Al-Ula ng Saudi Arabia, sinabi ng opisyal.
Si Kushner ay iniikot ng pabalik-balik ang paligid ng rehiyon sa layuning lutasin ang alitan na naganap sa Qatar, isang pangunahing base para sa mga puwersa ng US, laban sa mga kapwa kaalyado na Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Inakusahan ng Saudi Arabia ang mas maliit nitong katabing bansa na masyadong malapit sa Iran at sa radical Islamist groups, mga alegasyon na itinanggi ng Doha.
Dati nagtagumpay si Kushner sa pag-aayos ng pagkilala sa Israel ng apat na estado ng Arab na pinamunuan ng United Arab Emirates.
Bubuksan muli ng Saudi Arabia ang mga hangganan at airspace nito sa Qatar, isang pangunahing hakbang patungo sa pagtatapos ng isang diplomatikong pagtatalo na nasaksihan ang pangunguna ng Riyadh sa alyansa na ihiwalay ang Doha.
Ang pasabog na anunsyo ay dumating sa bisperas ng taunang pagpupulong ng Gulf Cooperation Council (GCC) sa hilagang-kanlurang lungsod ng Al-Ula ng Saudi Arabia, kung saan ang pagtatalo ay magiging pangunahing agenda.
Sa isa pang senyales na nalalapit nang magwakas ang ang tatlo at kalahating taong alitan, sinabi ng tanggapan ni Qatari Emir Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani na dadalo siya, matapos niyang laktawan ang taunang pagpupulong sa nakalipas na tatlong taon.
Inihayag nibKuwaiti Foreign Minister Ahmad Nasser Al-Sabah sa state TV na “it was agreed to open the airspace and land and sea borders between the Kingdom of Saudi Arabia and the State of Qatar, starting from this evening.”
Sinabi niya na ang kasunduan ay batay sa panukala ni Kuwaiti emir Sheikh Nawaf al-Ahmad Al-Sabah, na sumasalamin sa paulit-ulit na pagsisikap ng bansa na mamagitan sa krisis.