NAGDULOT ng matinding pangamba an gang pag-usbong sa Britain at South Africa ng bagong dalawang variants ng Sars-CoV-2, na sinasabing higit na nakahahawang bersiyon ng virus. Narito ang mga nalalaman—at hindi pa batid—hinggil sa mutations.
ANO ITO?
Lahat ng virus ay nagmu-mutate kapag nare-replicate upang bumagay sa kanilang kapaligiran.
Nasundan ng mga siyentista ang ilang mutations ng Sars-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng Covid-19, mula nang umusbong ito sa China noong huling bahagi ng 2019.
Karamihan ng naging mutation ay hindi naman nabago ang bagsik o transmissibility ng virus. Gayunman, isang mutation — ang variant B117, na sinasabing umusbong sa southeastern England noong Setyembre, ayon sa Imperial College London — ang natukoy na sa ilang bahagi ng mundo, kabilang ang US, France at India.
Isa pang variant, ang 501.V2, ang nadetekta sa South Africa noong Oktubre, at kumalat na sa ilang bansa, kabilang ang Britain at France.
Kapwa mayroon itong multiple mutations sa virus, partikular sa spike protein —ang bahagi ng virus na dumidikit sa human cells at tumutulong sa pagkalat nito.
Partkular, ang mutated versions ay may altered receptor binding domain na kilala bilang N501Y, na makikita sa protein spike ng virus at nagbibigay ng mas madaling access sa ACE2 receptor sa human cells.
Ito ang nagbibigay ng potensiyal sa mutated versions upang mas maging nakahahawa kumpara sa ibang strain.
Sinabi ng European Centre for Disease Control na bagamat “there is no clear relationship” sa pagitan ng enhanced ACE2 binding at mas mataas na transmissibility, “it is plausible that such a relationship exists”.
MAS NAKAHAHAWA BA ITO?
Sa katunayan, ilang bagong pag-aaral—na kailangan pa ng peer-reviewed — ang nagsabi na ang British variant ng Sars-CoV-2 ay maaaring higit na mas nakahahawa kumpara sa ibang strain.
Sa pagtataya ng NERVTAG expert committee, na siyang nagpapayo sa British government para sa disease control, nasa pagitan ng 50 porsiyento at 70% more transmissible.
Isang grupo sa London School of Hygiene and Tropical Medicine (LSHTM)ang nagkaisa, na ilagay ang increased transmissibility sa 50-74 percent range.
Nitong nakaraang linggo inilabas ng mga researchers sa Imperial College London ang resulta ng isang pag-aaral thousands of genetic sequences ng Sars-CoV-2 na natuklasan sa Britain sa pagitan ng Oktubre at Disyembre.
Natuklasan nila na ang bagong variant “[had a] substantial transmission advantage”, na may reproduction rate sa pagitan ng 0.4 and 0.7 mas mataas sa unmutated virus. Sa preliminary studies sa South African variant, natuklasan din na higit itong nakahahawa kumpara sa regular na Sars-CoV-2. Bagamat sa inisyal na datos tila kinukumpirma na higit na nakahahawa ang bagong variant, hinikayat ng mga eksperto ang pag-iingat.
Sinabi ni Bruno Coignard, head ng infectious diseases sa France health authority Sante Publique France, na ang pagkalat ng British variant ay dahil sa “combination of factors”.
“These concern the virus’ characteristics but also prevention and control measures put in place,” aniya.
MAS MAPANGANIB BA ITO?
Wala pang ebidensiya na magsasabi na mas malakas sa normal ang mutated virus. Ngunit ang pagtaas ng transmissibility ay nagbabadya ng malaking problema, kung ikukunsidera na ang maliit ngunit tuloy-tuloy na bilang ng COVID-19 patients ay mangangailangan ng hospital care.
“Increased transmissibility eventually translates to a far higher incidence rate, and even with the same mortality, this means significant pressure on health systems,” ani Coignard.
Sinabi naman ni Adam Kucharski, isang epidemiologist sa LSHTM, na ang virus na
50 porsiyentong mas nakahahawa ay “much bigger problem” kumpara sa 50 porsiyentong mas nakamamatay.
Sa isang Twitter thread, ipinaliwanag niya kung paanong ang isang sakit tulad ng COVID-19, na may reproduction (R) rate na 1.1 — kung saan ang bawat pasyente ay maaaring mahawa ng 1.1 iba—at may mortality rate na 0.8 porsiyento ay inaasahang magdudulot ng 129 pagkamatay sa loob ng isang buwan.
Kung ang mortality rate ay tumaas ng 50 porsiyento, tataas ang bilang ng pagkamatay sa 193.
Ngunit dahil sa exponential growth ng kaso na may higit na nakahahawang variant, ang sakit na may 50 porsiyentong higher transmission rate ay inaasahang magdudulot ng 978 na pagkamatay.
Inamin naman ni Arnaud Fontanet, isang epidemiologist sa France science council, na ang bagong British variant “was extremely concerning right now”.
Natuklasan din sa mga inisyal na pag-aaral na ang British variant ay higit na mas nakahahawa sa mga nakababatang populasyon, na nagpapataas sa isyu kung pananatilihing sarado ang mga paaralan.
Sa pag-aaral ng LSHTM, sinasabing ang lockdowns na katulad ng ipinatupad sa Britain noong Nobyembre ay hindi sasapat upang mapigilan ang pagkalat ng bagong variant “unless primary schools, secondary schools, and universities are also closed”.
EPEKTIBO PA RIN BA ANG BAKUNA RITO?
Sa paglulunsad ng vaccination campaign sa iba’t ibang bahagi ng mundo, may rason bang mangamba na ang mga nabuong bakuna ay hindi tatalab sa bagong mutation?
Lalo’t ang messenger RNA vaccines na develop ng Pfizer at Moderna “trick the body into reproducing the virus’s spike protein — the precise part of the pathogen that has mutated in the new versions.”
Ayon sa ECDC maaga pa upang malaman kung ang mutation ay makaapekto sa bisa ng bakuna.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Henry Walke ng he American Centers for Disease Control na “experts believe our current vaccines will be effective against these strains”.
Gayunman nitong Lunes, sinabi naman ni Francois Balloux, professor ng Computational Systems Biology at Director ng University College London’s Genetics Institute na ang South African variant’s spike protein mutation “helps the virus to bypass immune protection provided by prior infection or vaccination”.
Inihayag naman ng German vaccine developer BioNTech, na kung kakailanganin maaari itong bumuo ng bagong bakuna na eepekto sa mutated versions sa loob ng anim na linggo.
ANO ANG MAAARI NATING MAGAWA?
Ayon kay Coignard imposible na lubusang mapuksa ang ang bagong eradicate the variants, bagamat ang hangarin mula sa mga policymakers “should be maximum delay” ng pagkalat nito.
Sinabi ng ECDC na ang mga bansang hindi pa apektado ng bagong mutations, “efforts to delay the spread should mirror those made during the earlier stage of the pandemic”. Kabilang dito ang pagte-tests at pagsasailalim sa quarantine ng mga dumarating, kasama ng contact tracing at limitadong biyahe.
Masuwerte naman na ilang PCR tests ang may kakayahang makadetekta ng British variant.
Kaya naman isinusulong ni Fontanet ang “extremely aggressive surveillance” sa pamamagitan ng widespread testing.
“We need to be even more vigilant in our prevention measures to slow the spread of Covid-19 by wearing masks, staying at least six feet apart from people we don’t live with, avoiding crowds, ventilating indoor spaces and washing our hands,” ani Walke.
Agence France-Presse