Bumilis pa ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.

Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang inflation rate sa bansa sa 3.5 porsiyento noong Disyembre 2020 kumpara sa 3.3% noong Nobyembre 2020. Ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong Abril 2019.

Naitala ang annual average inflation sa 2.6% noong 2020 para sa buong bansa. Ito ay bahagyang mas mataas kumpara sa naitalang 2.5% annual average inflation noong 2019.

Tumaas ng 3.6% ang food and non-alcoholic beverages sa nabanggit na panahon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

-Beth Camia