Itinigil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakda fact-finding investigation para sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nagpaturok ng hindi aprubadong COVID-19 vaccine.

Inihayag ni AFP spokesperson Maj.Gen Edgard Arevalo na itinigil muna kahapon ang imbstigasyon sa PSG.

Ayon kay Arevalo, hindi tuloy ang scheduled fact finding investigation dahil na rin sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte nito Lunes ng gabi.

Umapela kasi Duterte sa Kongreso na huwag pilitin ang mga tauhan ng PSG na tumestigo at depensahan ang kanilang mga sarili sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil ginawa nila ito bilang “self-preservation.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Unang sinabi ni Arevalo, ang fact-finding team ng AFP ay binubuo ng 10 katao na pinangungunahan ng AFP Inspector General.

Giit ni Arevalo, bagama’t hindi nito pinagtatakpan ang ginagawa ng kanyang mga close-in security team, nagbabala ang Pangulo na magkakaroon ng ‘krisis’ kapag pinuwersa ang PSG na isiwalat ang detalye ng kanilang pagpapabakuna.

Matatandaan na sinabi ng AFP na hindi nila kukunsitihin kung mapapatunayang may paglabag sa batas ang mga sundalong una nang nagpaturok ng hindi aprobadong COVID-19 vaccine.

Isang matured at professional organization ang AFP at kung may nagkakamali sa kanilang hanay hindi nila isasawalang bahala.

“The AFP Chief General Gilbert Gapay has called-off the scheduled fact-finding investigation today on the vaccination of some PSG personnel. This comes in the light of the recent pronouncement of the Commander-in-Chief and President Rodrigo Duterte,” pahayag ni Arevalo.

‘Do not force my soldiers’

Umapela si Pangulong Duterte sa Kongreso na huwag nang galawin ang PSG at pilitin ang mga tauhan nito na magpatotoo labag sa kanilang kalooban, nitong Lunes ng gabi.

Kahit na itinanggi niya na pinagtatakpan niya ang akayon ng kanyang close-in security team, nagbabala ang Pangulo ng “little crisis” kapag inobliga ang PSG personnel na isiwalat ang mga detalye tungkol sa kanilang pagpapabakuna. Sinabi ni Duterte na uutusan niya ang PSG na huwag humarap sa pagdinig o itikom ang kanilang mga bibig kapag iginiit ng mga mambabatas na makialam sa kanilang gawai.

“I would like to call on Congress na hindi naman ako nakikiusap. Ang ano ko lang diretso na salita na do not tinker with the PSG. I’m telling you as President it’s a matter of self-preservation so hanggang diyan na lang ako. I will not elaborate on it but do not force my hand to meddle into this affair because maybe I will not – I am not so keen about allowing (PSG commander Brig. Gen. Jesus) Durante and the rest of the PSG to testify,” aniya sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi.

Kung ipatatawag ang mga tauhan ng PSG upang magpatotoo sa Kongreso, sinabi ni Duterte na sasabihin niya sa kanila na “just shut up” at “invoke the right against self-incrimination.” “Wala kayong makukuha,” aniya.

Nagbabala rin si Duterte laban sa pagbanggit sa pag-cite in contempt sa PSG at pagdetinen sa kanila kung hindi nila pinapansin ang pagtatanong. Kung mayroong miyembro ng PSG na ikinulong, sinabi ni Duterte na pupunta siya sa Kongreso at palayain ang kanyang mga security personel.

“Do not force my soldiers to testify against their will. At huwag ninyong i-contempt-contempt na i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me. It would not be healthy for everybody,” aniya.

“‘Pag ginawa ninyo ‘yan, there will be a little crisis. Nasa inyo. Ako, I am prepared to defend my soldiers,” he said, adding he was trying to protect the PSG from being “brutalized” sa congressional hearing.

-Fer Taboy at Genalyn Kabiling