NEW YORK (AP) -- Bagsak sa ‘safety and health’ protocol si Kevin Durant ng Brooklyn Nets kung kaya’t agad itong inilagay sa pitong araw na ‘quarantine’ ayon sa report ng NBA insider.

Natukoy umano ang one-time MVP at two-time NBA Champion na na-exposed sa ilang tao na positibo sa COVID-10, batay umano sa report ng NBA’s contact tracing system.

Nagpositibo si Durant sa coronavirus sa nakalipas na taon. Bunsod ng quarantine, hindi makalalaro ang matikas na forward sa apat na laro ng Nets. Tangan ng Nets ang 3-4 karta para sa No.9 position sa Eastern Conference.

Inaasahang magbabalik aksiyon si Durant sa Nets sa Enero 12 sa laro laban sa Denver Nuggets.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

BUCKS 125, PISTONS 115

Sa Milwaukee, hataw si Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 43 puntos sa panalo ng Bucks kontra Detroit Pistons nitong Lunes (Martes sa Manila) Kumana ang reigning two-time MVP ng 30 puntos sa halftime tungo sa impresibong panalo ng Bucks (4-3).

HEAT118, THUNDER 90

Sa Miami, tinupok ng Heat, sa pangunguna ni Kelly Olynyk na kumana ng 19 puntos, tampok ang limang three-pointer, ang Oklahoma City Thunder.

Nag-ambag si Bam Adebayo ng 20 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Orlando Magicang Cleveland Cavaliers, 103-83; tinalo ng Philadelphia 76ers ang Charlotte Hornets, 118-101.