Maaaring maglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit para sa experimental coronavirus vaccines na ibinigay sa maliliit na grupo tulad ng Presidential Security Group (PSG) sa bansa, sinabi ng hepe nito na si Eric Domingo nitong Lunes ng gabi.

Ipinaalam ni Domingo kay Pangulong Duterte ang tungkol sa “safe way” upang magamit ang hindi rehistradong mga produktong medikal sa bansa sa pagpupulong sa ilang mga opisyal ng gobyerno sa Davao City.

“If it’s going to be a smaller group, for example ‘yung PSG (Presidential Security Group), and of course, priority naman po talaga nila na kayo ay proteksyunan, then we can give compassionate special permit for this kasi maliit lang naman po ‘yun and a hospital can take care of it and a doctor can administer safely,” sagot ni Domingo nang tanungin ng Pangulo kung maari bang magbigay ng awtoridad ang FDA sa emergency use ng bakuna.

Sinabi ni Domingo na maaaring mag-isyu ang FDA ng mga special permits na ito sa small quantities ng mga bakuba kahit walang emergency use authorization (EUA).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“For smaller quantities, kahit walang EUA (emergency use authorization), we can do a special permit for that. . . .There’s a safe way to do it,” paliwanag ng FDA chief.

“Naiintindihan naman po natin ‘yung importance po ‘no ng what they do and there’s a safe way to do it if kung gusto po nilang gawin,” aniya tungkol sa PSG vaccination.

Batay sa FDA, ang EUA ay isang “authorization” na inisyu para sa “unregistered drugs and vaccines in a public health emergency. The evaluation process of the product may be facilitated by reliance and recognition principles, but stricter conditions on the use and monitoring following authorization shall be imposed.”

-BETH CAMIA