Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa Department of Health (DoH) at Department of Foreign Affairs , (DFA) na agad na irekomenda sa Palasyo na isama ang China sa mga bansang pinagbabawalang makapasok sa ating bansa matapos na makumpirma na may mga kaso na ito ng bagong COVID-19 variant.

“Nakumpirma na na may new COVID-19 strain sa Tsina. Bakit di parin ito kasali sa listahan ng travel ban? Tigilan na ang kababalaghan. Bakit exempted ang China? Natatakot na naman ba tayong masaktan ang damdamin nito? Unahin naman natin ang Pilipinas,” ani Hontiveros.

Kinumpirma ng China na may 23-taon babae galing sa United Kingdom na naging positibo sa COVID-19 strain, nitong Disyembre 14, at nitong Disyembre 24, nabatid na ang dalang virus ng babae ay parehong nadiskubre sa UK.

-Leonel Abasola
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3