LONDON (AFP) — Inihayag ang mga bagong lockdown para sa England at Scotland nitong Lunes kahit na nagsimulang ilunsad ng Britain ang bakuna sa coronavirus ng Oxford-AstraZeneca, isang posibleng magbabago sa paglaban sa sakit sa buong mundo, habang ang mga bansa ng EU ay nagtuturuan sa kanilang sariling mabagal na pag-usad.

britain

Sumunod sa mga yapak ng binuwag na administrasyong Scottish, sinabi ni Prime Minister Boris Johnson na ang buong England, ang pinakamalaking bansa sa UK, ay magsasara mula Miyerkules - posible hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero.

Ang pinakabagong mga hakbang sa virus ay naglalayong makontrol ang malubhang alon ng mga impeksyon na may isang bagong straibn ng coronavirus na pinaniniwalaang kumakalat nang mas mabilis.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“With most of the country already under extreme measures, it’s clear that we need to do more, together, to bring this new variant under control while our vaccines are rolled out,” sinabi ni Johnson sa televised address.

Katulad ng unang lockdown noong Marso-Hunyo ng nakaraang taon, kasama sa mga bagong hakbang ang pagsasara ng mga paaralan at pagbabawal na umalis sa bahay para sa lahat maliban sa pag-eehersisyo at mahahalagang pamimili.

Habang ipinamigay ng Britain ang mga paunang turok sa unang batch na 530,000 dosis mula sa University of Oxford at AstraZeneca, hindi pinahintulutan ng European Medicines Agency (EMA) ang coronavirus jab mula sa US-based na Moderna sa pagdaos ng isang espesyal na pagpupulong, sinabi na muli itong magpupulong sa Miyerkules.

Sinabi na ng EMA na ang Oxford-AstraZeneca jab ay malamang na hindi makakuha ng pag-apruba ng Europe sa Enero.

Bagaman ang Pfizer-BioNTech inoculation ay pinayagan para magamit sa EU, 200,000 lamang sa Germany at ilang daang sa France ang tumanggap nito - kumpara sa higit sa isang milyon sa bawat Britain, US at Israel.

“It’s obvious that such a complex endeavour is always going to bring with it difficulties,” European Commission spokesman Eric Mamer sa mga mamahayag journalists.

Sa Beijing, libu-libo ang pumila para sa pagbabakuna habang ang mga awtoridad ng China ay nagmamadaling mabalunahan ang milyun-milyon bago ang panahon ng paglalakbay ng Lunar New Year sa Pebrero.