ISINAGAWA ang makabuluhang proyektong ‘basketball for a cause’ sa isang makulay na pambungad seremonya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) kamakailan sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

ANG charitable team GRAB We Care United matapos pumarada sa pambungad seremonya ng First GWCU Charity Basketball League sa Al Faris International School Gym ni M’dam Sahar Almazouki sa Riyadh, KSA. Ang GRAB team ay binubuo nina ( nakatayo mula kaliwa)Albert Pano,Gary Martin Ysug, Ariel Alapar,Robin Padiz( event founder/ organizer,Junard Rosauro, VP Mensen Lopez at Marciano Daradal.(Mula kaliwa nakaupo) JR Padua,Jun Padua, Leonardo Radovan, Rodel Lucero, Melvin Torres at Joeney Cadornigara.

ANG charitable team GRAB We Care United matapos pumarada sa pambungad seremonya ng First GWCU Charity Basketball League sa Al Faris International School Gym ni M’dam Sahar
Almazouki sa Riyadh, KSA. Ang GRAB team ay binubuo nina (nakatayo mula kaliwa)Albert Pano,Gary Martin Ysug, Ariel Alapar,Robin Padiz( event founder/ organizer,Junard Rosauro,
VP Mensen Lopez at Marciano Daradal.(Mula kaliwa nakaupo) JR Padua,Jun Padua, Leonardo Radovan, Rodel Lucero, Melvin Torres at Joeney Cadornigara.

Ayon kay event founder/ organizer Sir Robin Padiz , ang buwenanong Grab We Care United Charity Basketball League, ay umarangkada kung saan kalahok ang mga koponang may malasakit para sa kababayan sa naturang gulf nation na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Pinangungunahan ito ng host team na Grab We Care United,RDS,SAR at UNICC.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It’s a noble project basketball for a cause. ’Yung quota nito ay gagamitin sa ayuda para sa ating mga kababayan dito na apektado ng pandemic. Ang magiging champion team ang siyang pipili ng kanilang aayudahan,” pahayag ni Padiz na tumayo ring sponsor kaagapay si Rannoe Basanta at VP Mensen Lopez.

“Layon din namin ang camaraderie at pasasalamat sa ating mga magigiting at mas mapalad na kalahing taos- puso sa pagtulong tulad ng mga kasamahan natin sa Grab We Care United”, sambit ni Padiz, dating miyembro ng national men’s gymnatics team athlete na kalaunan ay naging national coach noong narito pa siya sa Pilipinas.

Ang bagong tatag na cage league na rumatsada sa Al Faris International School Gym sa Riyadh na pag-aari ni Madam Sahar Al Marzouki ay isang single round robin na magtatapos sa Enero 22.

Ang inaayudahan ng naturang noble group ay ang mga kababayang nawalan ng trabaho at istranded sa pag-uwi sa Pilipinas at ang iba naman ay naghahanap ng bagong employer mula sa mga nagsarang kumpanya dahil sa pandemya