SA virtual presscon ni Mico Pasamonte na isa sa limang baguhang male newest sex symbols of Godfather Film titled Anak Ng Macho Dancer produced by Joed Serrano ay natanong ito ni yours truly kung siya ba ay PAPASA bilang isa sa the newest male sex symbol of this new year 2021.

Miko Pasamonte

Sagot ni Mico: “Sa tingin ko naman po ay Oo…hindi sa binubuhat ko ang sarili ko…dahil nang nag-post ako sa Twitter pa lang wala pang isang linggo umabot ako ng one hundred thousand followers ang daming nag-follow sa akin, ngayon ay nasa 200 hundred thousand more na. Palagay ko papasa naman kaya lang may plano sa akin si Joed sabi niya sa akin, ‘Baby ay ano, Miko…may nakikita akong babagay sa iyo na role lagi gusto kita bilang kontrabida lang. Kaya yung gagawin niyang Pulis na movie, gagawin niya akong kontrabida dun.”

Tanong uli: Sa apat na Anak ng Macho Dancer sino sa kanila sa palagay mo ang makakalaban mo ng husto in terms of popularity, ha. Sino kina Sean de Guzman, Charles Nathan, Ricky Gumera?”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“In terms of popularity or in terms of Joed Serrano favouritism?” balik tanong niya. “Ahhh, in terms of popularity palagay ko si Ricky Gumera pero hindi ako nakikipag-kumpitensya sa kanila. Una mas bata sa akin si Ricky, pangalawa mas sexy sa akin si Ricky, sa akin ano, eh…pero sa amin ano, eh, walang competition sa amin ni Ricky kasi ano, eh…imaginin mo na lang sobrang close kami, si Ricky halos magkapatid kami  imaginin mo from Manila ang bahay niya pinuntahan nya ako dito sa Dasmarinas Cavite para tulungan lang akong maglipat ng mga gamit dito sa bago kong bahay. Sino ang taong gagawa niyan ng walang kapalit. Ganun kabait si Ricky kaya pinasalamatan ko siya sa FB wall ko. Then sabi niya sa akin, walang problema Tol, basta kapatid ang turing ko sa iyo, sabi niya sa akin, so ramdam ko na totoo yon dahil si Ricky ang nakikita ko sa kanya, naghahanap siya ng pagmamahal nang isang kapatid dahil nagkaroon yan ng problema sa kapatid.”

Kung sabagay may mga magkakapatid na hindi nagkakasundo-sundo kaya minsan or sa ibang pamilya daw ay hindi na papasa ang kasabihang blood is thicker than water kundi sa ngayon ay ito na…blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Relatives only accept you when you’re successful.”

Pero hindi naman sa lahat. May exception din naman in pernes.

Niwey, watch out for Miko Pasamonte na binansangang The Newest Male Sex Symbol of 2021, okidoki?

Yon lang and I thank you.

-MERCY LEJARDE