Umaasa ang Malacañang na makababangon ang ekonomiya ng bansa ngayong 2021 matapos ang pagtamlay nito sa nakaraang taon bunsod na rin ng coronavrius disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inilabas ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag kasunod na rin ng unti-unting pagluwag ng pamahalaan sa paghihipit nito upang makabangon muli ang ekonomiya.

Positibo aniya ang pananaw ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ekonomiya ng bansa para sa taong ito.

“While these are far from what we desire, the administration’s economic managers are hopeful that the economy will be on a rebound next year,” aniya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tanggap din ni Roque na naging malaking hamon sa bansa ang 2020 dahil sa pagtama ng mga kalamidad at COVID-19 pandemic na nagresulta sa pagtamlay ng pagyabong nito.

-ARGYLL CYRUS GEDUCOS