DAVAO CITY – Isa ang naulat na namatay habang 33 iba pa ang isinugod sa ospital matapos tamaan ng diarrhea sa isang barangay sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, kamakailan.

Sa pahayag ni Jose Abad Santos Mayor Jason John Joyce, karamihan ng naapektuhan ng diarrhea ay naitala sa Bgy. Butuan.

“Sa kasamaang palad ay may isang casualty po tayo. May you rest in peace Tatay Emilio Sumanday,” aniya.

Sa kasaluuyan aniya ay nasa 33 pasyente ang nakaratay sa District Hospital sa Bgy. Poblacion.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Sa ngayon po ay may 33 patients po tayo sa District Hospital sa poblacion JAS (Jose Abad Santos). We are also verifying din po if related sa diarrhea outbreak ang pasyente na dinala sa Glan Hospital,” aniya.

Inaalam pa rin aniya nila ang sanhi ng outbreak na naunang naiulat nitong Sabado ng umaga.

“Pwedeng sa tubig, pwedeng sa pagkain,” aniya pa.

-Zea Capistrano