INILISTA ng World Health Organization (WHO) nitong Biyernes ang Pfizer/BioNTech vaccine bilang unang drug na nakatanggap ng emergency validation mula nang pumutok ang coronavirus outbreak isang taon na ang nakalilipas.
“This is a very positive step towards ensuring global access to Covid-19 vaccines,” pahayag ni Dr. Mariangela
Simao, WHO assistant director-general for access to medicines and health products.
“But I want to emphasize the need for an even greater global effort to achieve enough vaccine supply to meet the needs of priority populations everywhere,”dagdag pa niya.
Isang taon na ang nakararaan, nang unang matukoy sa Beijing ang new coronavirus, SARS-CoV-2, na humantaong sa Covid-19 pandemic, na wala pa noong naitatalong kaso sa labas ng China.
Ngunit ngayon, may higit 83 million kaso na ng COVID-19 at higit 1.8 million ang kumpirmadong namatay sa sakit sa buong mundo, ayon sa Johns Hopkins University of Medicine sa US.
Noong Disyembre 2, UK ang unang Western country na nag-apruba ng bakuna laban sa Covid-19 nang bigyan nito ng pahintuloy ang bakuna na develop ng US pharmaceutical giant Pfizer at German biotechnology company BioNTech. Bagamat nagsimula na ng pagbabakuna ang Russia ng kanilang Sputnik V vaccine.
Nasa 50 bansa na kabilang ang US kasama ang EU na nag-apruba ng either emergency o normal use.
Ang WHO’s Emergency Use Listing ay nagbubukas ng pinto para sa maraming bansa na bilisan ang kanilang regulatory approval processes upang makaangkat at makapagbakuna.
Naging daan din ito para sa UN children’s agency UNICEF ar Pan American Health Organization na makapag-procure ng bakuna para sa pamamahagi sa mga nangangailangang bansa.
“The WHO and our partners are working night and day to evaluate other vaccines that have reached safety and efficacy standards,” pahayag ni Simao. “We encourage even more developers to come forward for review and assessment. It’s vitally important that we secure the critical supply needed to serve all countries around the world and stem the pandemic.”
Nitong Disyembre 19, inaprubahan na ng US ang Moderna vaccine bilang second drug laban sa COVID-19.
Habang nitong Miyerkules, inaprubahan naman ng Britain’s drug regulator ang paggamit ng Oxford-AstraZeneca COVID-19 vaccine sa UK, ang unang bansa na nag-apruba sa nasabing bakuna.
Anadolu