CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang pulis matapos na tangayin ng pinaniniwalaang ‘Bukas-Kotse’ gang ang kanyang baril at pera sa mismong harap ng kanilang bahay sa Barangay Bitas sa nasabing lungsod, nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni City Police chief, Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, ang biktima na si P/SMS Christian Hernandez, 41, taga-Mulawin St., Bitas, at nakatalaga sa Sto. Domingo Municipal Police Station sa naturang lalawigan.
Sa imbestigasyon, ipinarada lamang ni Hernandez ang kotse nito sa harap ng kanilang bahay nang basagin ng grupo ang bintana nito at tinangay ang P95,000 pera nito at isang Glock .9mm pistol.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.
-Ariel Avendaño