WASHINGTON (AFP) — Minarkahan ng United States ang New Year nitong Biyernes sa pagtawid sa pambihirang milyahe ng 20 milyong kaso ng COVID-19, matapos ang pandaigdigang pagdiriwang ng pagsalubong sa 2021 ay halos pinatahimik ng pandemya.

Nagkakandarapa ang US sa pagsisikap nitong mapatay ang virus, na mabilis na kumakalat sa buong bansa at nagdulot na ng higit sa 346,000 pagkamatay - sa pinakamataas na national death toll.

Inaasahan ng buong mundo na ang mga bakuna sa COVID-19 ay mabilis na magtatapos sa pandemya sa 2021 na niyanig ng mabagal na pagsisimula ng programa sa pagbabakuna ng US, na sinalanta ng mga problema sa logistics at sobrang dami ng pasyente sa mga ospital.

Halos 2.8 milyong mga tao sa US ang nakatanggap ng kanilang unang mga turon, ngunit ang numero ay mas mababa kaysa 20 milyong mga pagbabakuna na ipinangako ng administrasyon ni Preaident Donald Trump sa pagtatapos ng 2020.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina