UPANG maiwasan ang personal inconvenience at posibleng dagdag na gastos gayundin upang makatulong na maiwasan ang pagpasok ng bagong COVID-19 strain sa bansa, mahigpit na inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga biyahero patungo sa bansa na “carefully reconsider their travel plans” –kabilang ang pagpapaliban ng kanilang biyahe hanggang sa matapos ang travel restrictions.

Sa isang public advisory na inilabas nitong Disyembre 31, 2020, pinaalalahanan ng DFA ang mga Pilipino abroad at lahat ng iba pang biyahero matapos ang paglalabas ng isang memorandum mula Office of the Executive Secretary na may petsang Dis. 29, 2020 na nagre-regulate sa pagpasok ng mga biyahero mula o dumaan sa mga bansa na nakapagtala ng insidente ng bagong COVID-19 strain.

“All overseas Filipinos are reminded of the limited quarantine facilities in place and are thus strongly urged to reconsider travel plans to the Philippines for the duration of the travel restrictions,” ayon sa DFA. Tatagal ang travel restriction hanggang Enero 15.

Nagpaalala rin ang DFA na “those entering the country from affected countries and jurisdiction” ay kinakailangang sumailalim at makumpleto ang ang strict mandatory 14-day quarantine sa pasilidad na aprubado ng Department of Health (DoH) “regardless of negative” RT-PCR result.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa nasabing panahon, binigyang-diin ng ahensya na ang mga non-Filipino nationals mula sa mga nabanggit na bansa at sakop nito—anuman ang previous visa status, exemptions granted, o relasyon sa Pilipinong residente – “will temporarily be restricted from entering the Philippines.”

Nagpaalala rin ang DFA sa mga biyahero na palaging tingnan ang petsa ng kanilang biyahe sa airlines bago ang departure o bago mag-book ng ticket dahil maaaring magbago ito anumang oras sa gitna ng pandemya.

-Merlina Hernando-Malipot