PINAGHARIAN ni Allan Gabriel Hilario, ang 13-anyos varsity player ng Arellano University sa pangangasiwa ni NM/AGM Rudy, ang katatapos na 21st Edition ng Espana Chess Club Bullet Online Tournament para sa taong 2020 na ginanap sa lichess. Com.
May time control na 1 minute & zero increments, nakamit ni Hilario ang highest score na 51 points at highest Berserk rate 95% , ayon kay Espana Chess Club Manila top honcho engineer Ernie Fetisan Faeldonia.
Si Hilario, kinatawan ng bansa sa 9th ASEAN (Association of Southeast Asian Nation) Age Group Chess Championship, ay kasama ni Jasper Faeldonia na nagkampeon sa Manila Meet (2018 at 2019).
Si National Master Julius Sinangote ang nag second na may 49 points kasunod sina third placer Rhenz Rheann Auza na may 43 points, fourth placer Adrian Esteva na may 41 points at fifth placer Rowell Roque na may 40 points.
Pasok sa top 10 winners ay sina National Master engr. Robert Arellano (6th), Nephtali Bantang (7th), Daniel Baylosis (8th), Michael Metrio (9th) at James Saldavia (10th).
Ang category winners ay sina Ericka Ordizo (Top 2000 ), Herson Magpayo (Top 1800 ), Kaiser Pangilinan (Top kiddie ) at Gllasea Ann Hilario (Top lady ).