Hindi papasukin sa Pilipinas ang mga dayuhan na nagmumula sa United States simula kaninang madaling araw upang maiwasan ang pagpasok at paglaganap ng bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) strain sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni BI Commissioner Jaime Morente at sinabing kabilang ang Estados Unidos sa listahan ng hihigpitan alinsunod na rin sa kautusan ng Malacañang.

Nilinaw nito na pahihintulutan pa rin nilang pumasok sa bansa ang mga Pinoy at kanilang pamilya gayunman, isasailalim sila sa 14 day quarantine.

Matatandaang isinailalim sa travel restriction ang 21 na bansa matapos na mahawaan ng bagong variant ng COVID-19 na nagsimula sa United Kingdom.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bukod sa U.S. at UK, kabilang din sa mga bansang ito ang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, at Spain.

-JUN RAMIREZ