KABILANG si Tokyo Olympic hopeful Margielyn Didal sa nominado sa prestihiyosong Asia Skateboarding Awards.
Nakasama ang pangalan ni Didal, gold medalist sa Asian Games at Southeast Asian Games, sa shortlist para sa Asia Skater of the Year award, na siyang pinakatampok sa regional awards show.
Kapag siya ang nanalo sa award, tatanggap siya ng $1,500 (may P72,000). Kamakailan lang, nanalo siya ng silver medal sa isang online meet sa Madrid. Malaki ang pag-asa ni Didal na magkaroon ng slot sa nabalam na Tokyo Summer Games sa Hulyo 2021.
Ang iba pang mga gawad na ipagkakaloob sa 2020 Asia Skateboarding Awards ay kinabibilangan ng Asia Skater of the Year para sa men’s category, Asia Rookie of the Year award, at Trick of the Year plum.
-Bert de Guzman