Pagkatapos ng dalawang linggong bakasyon, ang mga klase sa lahat ng antas ng basic education sa mga pampublikong paaralan ay nakatakdang ipagpatuloy sa Lunes, ayon sa Department of Education (DepEd).
Batay sa amended school calendar for school year (SY) 2020-2021 na nakapaloob sa DepEd Order Blg. 30 s. ng 2020, ang pagpapatuloy ng mga klase sa basic education level sa mga pampublikong paaralan ay naka-iskedyul sa Enero 4.
Tulad ng nabanggit sa adjusted school calendar, ang huling araw ng mga klase para sa Quarter 1 o First Grading Period ay noong Disyembre 12. Ang Holiday Break para sa mga pampublikong paaralan ay opisyal na nagsimula noong Dis. 19, 2020 hanggang Enero 3, 2021.
-Merlina Hernando-Malipot