SAN ANTONIO (AP) — Hataw si Anthony Davis sa natipang 35 puntos at 11 rebounds, habang kumana si LeBron James ng triple-double -- 26 puntos, 11 rebounds at 10 assists – para sandigan ang Los Angeles Lakers sa 109-103 panalko kontra San Antonio Spurs nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Naitala ni Keldon Johnson ang career-high 26 puntos at 10 rebounds, habang nag-ambag si DeMar DeRozan ng 23 puntos, siyam na rebounds at pitong assists para sa San Antonio.
Nabutata ni Johnson ang layup ni James, ngunit napulot ni Kyle Kuzma ang tipped in shot para sa 105-103 bentahe ng Lakers may 53.9 segundo ang nalalabi.
GRIZZLIES 108, HORNETS 93
Sa Charlotte, ginapi ng Memphis Grizzlies, sa pangunguna ni Dillon Brooks na may 21 puntos, ang Charlotte Hornets.
Nag-ambag si Kyle Anderson ng 18 puntos at career-best 11 rebounds, habang kumana si Brandon Clarke ng 15 puntos.
Kumana rin si Jonas Valanciunas ng 14 puntos at 10 rebounds, at tumipa sina Gogul Dieng ng 14, at Desmond Bane ng 10 puntos para sa Grizzlies.
MAVS 93, HEAT 83
Sa Dallas, nagsalansan si Luka Doncic ng season highs 27 puntos at 14 rebounds sa panalo ng Mavericks sa Miami Heat.
Ratsada rin si Tim Hardaway Jr. ng 18 puntos.
Nanguna sa Miami si Bam Adebayo na may 19 puntos at tumipa si Avery Bradley ng 15 puntos.
Sa iba pang laro, dinaig ng Detroit Pistons ang Boston Celtics, 96-93.