HIGIT 83,000 mahihirap na pamilya na apektado ang kabuhayan ng ipinatutupad na community quarantine ang nabigyan ng benepisyo mula sa ipinatupad ng pamahalaan na Livelihood Assistance Grant (LAG).

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umabot na sa 83,599 mahihirap na pamilya ang natulungan ng ahensiya, sa pamamahagi ng higit P794 milyong halaga ng LAG bilang bahagi ng recovery efforts sa gitna ng COVID-19 pandemic crisis.

“Based on data as of November 2020, some 83,599 beneficiaries have been provided with LAG, utilizing more than P794 million funds,” pahayag ng ahensiya sa ipinadalang mensahe hinggil sa istatus ng programa.

Ang LAG, na nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DWSD, ay isang financial assistance para sa eligible low-income families na bahagi ng impormal na sektor na ang kabuhayan ay apektado ng community quarantine.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ilalim ng panuntunan ng ahensiya, kailangang suriin ng DWSD ang eligibility ng pamilya at ang pamilyang makapapasa sa ahensiya ang kabilang sa listahan ng pamilya na mabibigyan ng LAG.

Nakapaloob na ang mga pamilya na makatatanggap ng emergency subsidy program sa halagang pinahintulutan sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal As Once Act” ay maaari pa ring makatanggap ng LAG.

“The maximum amount of LAG per eligible family shall not exceed P15,000, and shall be provided once,” ayon sa panuntunan.

Isinasaad din na maaaring ilabas ang LAG sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng cash.

Maaaring ilabas ang LAG sa pamamagitan ng door-to-door o sa inilaang lugar ng payout, o sa pamamagitan ng anumang paraan na pinakamadali at ligtas para sa staff at mga benepisyaryo, ayon sa panuntunan.

Samantala, ibinahagi rin ng DSWD na nagkaloob din ang ahensiya ng higit P1.4 bilyong halaga ng livelihood aid sa 7,778 pamilya sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng SLP.

Bilang isang capacity-building program, ang SLP “provides access to opportunities that increase the productivity of the livelihood assets of the poor, vulnerable, and marginalized communities, helping them improve their socio-economic well-being,” anito.

“Through SLP, beneficiaries are given the option to take either the micro-enterprise development track, which supports microenterprises to become organizationally and economically viable, or the employment facilitation track, which assists Filipinos to access appropriate employment opportunities.”

-Charissa Luci-Atienza