TAONG 2019 nang tumakbo si Richard Yap bilang congressman sa Cebu City pero hindi pinalad na manalo. Unlike President Trump na up to now ay hindi pa maka-move on, Richard graciously accepted his defeat like a true gentleman.

Balik telebisyon si Richard, na nakilala bilang Sir Chief sa hit noontime serye na Please Be Careful With My Heart, matapos mag-freelance marami ang natuwa ng maging judge sa segment Bawal Judgmental ng Eat Bulaga. The rest is history. Pumirma na ng exclusive contract sa GMA si sir Chief. Pinapayagan si Richard na gumawa ng pelikula para sa ibang kompanya.

May linya sa The Sound of Music that goes like this,’When God closes a door, somehow, HE opens a window. Ganito ang direksyon na tinatahak ni Richard na walang hinanakit sa naging karanasan niya sa politika. Part sa aktor isa itong learning experience.

-REMY UMEREZ
Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'