MALAKI ang dalang pinsala ng novel coronavirus sa buong mundo, ngunit nagbabala ang World Health Organization nitong Lunes na ang pinakamatinding pandemya ay maaaring dumating pa, kasabay ng paghikayat sa mundo na seryosohin ang paghahanda.
“This is a wakeup call,” pahayag ni WHO emergencies chief Michael Ryan sa isang briefing isang taon mula nang unang matuklasan ng UN agency ang bagong virus na kumakalat sa China.
Binigyang-diin niya na bagamat ang virus “is very transmissible, and it kills people… its current case fatality (rate) is reasonably low in comparison to other emerging diseases.”
“We need to get ready for something that may even be more severe in the future.”
Nagpaalala rin si WHO senior advisor Bruce Aylward na bagamat ang mundo ay nakagawa ng malaking siyentipikong pag-unlad upang matugunan ang coronavirus crisis, kabilang ang pagka-develop ng bakuna sa mabilis na panahon, nananatiling hindi ito handa sa mga susunod na pandemya.
“We are into second and third waves of this virus and we are still not prepared to deal with and manage those,” aniya.
“So while we are better prepared… we are not fully prepared for this one, let alone the next one.”
Samantala, nagpahayag naman si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ng pag-asa na makatutulong ang karanasan sa Covid-19 pandemic upang mas mapaghandaan ng mundo ang mga banta sa kinabukasan.
“In terms of awareness, I think we are now getting it,” aniya.
Ngunit iginiit din niya na “it was time now to be really serious.”
“More ambition will be necessary.”
Pinuri rin Tedros kung paanong nagtutulungan ang mga siyentista sa mundo upang mawakasan ang pandemya.
Partikular niyang binanggit ang dalawang bagong strains ng virus na umusbong sa Britain at South Africa, na lumalabas na higit na nakahahawa kumpara sa nakaraang strain.
“We are working with scientists in the UK and South Africa who are carrying out epidemiologic and laboratory studies, which will guide next steps,” aniya.
Kinilala rin niya ang mabilis na aksiyon ng dalawang bansa sa pagsusuri at tracking ng bagong variants.
At sa pagpapatupad ng travel restriction ng higit 50 bansa sa Britain, nagbabala rin si Tedros laban sa pagpapatanaw ng “punishing measures” laban sa mga bansa na bukas sa pagbibigay ng mga resulta.
“Only if countries are looking and testing effectively will you be able to pick up variants and adjust strategies to cope,” aniya.
“We must ensure that countries are not punished for transparently sharing new scientific findings.”
-Agence France-Presse