OKLAHOMA CITY (AP) — Naisalpak ni Donovan Mitchell ang go-ahead layup may pitong segundo ang nalalabi para sa kabuuang 20 puntos at sandigan ang Utah Jazz sa 110-109 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 23 puntos at kumana si Mike Conley ng 20 puntos, 10 rebounds at siyam na assists para tuldukan ng Jazz ang 17-game losing streak sa regular season road games laban sa Thunder.

Sa iba pang laro, ginapi ng Atlanta, sa pangunguna ni Trae Young na may 29 puntos, ang Detroit Pistons, 128-120; habang nanaig ang Cleveland sa Philadelphia, 118-94 at nangibabaw ang Los Angeles Lakers sa Minnesota Timberwolves, 127-91.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!