Sinaway ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y pakikialam sa mga usapin ng bansa, sinabing marahil ay baliw na ito sa pag-usig sa kanya habang patuloy na gumagana ang mga domestic court.
Sa isang panayam sa telebisyon nitong Lunes ng gabi, muling kinuwestiyon ng Pangulo ang awtoridad ng ICC na makialam sa bansa at tangkain siyang husgahan.
Ang tanggapan ni ICC prosecutor Fatou Bensouda ay nakahabap nh makatuwirang batayan upang maniwala na ang sinasabing mga krimen laban sa sangkatauhan ay ginawa kaugnay sa madugong giyera laban sa droga ni Duterte.
Nilalayo siumano ng tanggapan ni Bensouda na magpasya kung humingi ng pahintulot mula sa mga hukom upang maimbestigahan ang sitwasyon ng Pilipinas sa susunod na taon.
“In the first place, why are you interfering in the affairs of my country and other countries? And who gave you the authority? By what divine law gave you the authority to --- to prosecute me in a --- in a foreign land tapos ang nakaupo puro kayo mga puti na ulol. You must be crazy,” sinabi ng Pangulo.
Iginiit ni Duterte na handa lamang siyang makulong lamang kung ang gagawa ng naturang desisyon ay ang mga lokal na korte.
“We have the courts here functioning. And if the courts says that I should go to jail, I will go to jail. Walang problema ‘yan,” aniya.
Ang Pilipinas ay umalis na mula sa Rome statute na lumikha ng ICC noong nakaraang taon dahil sa mga reklamo tungkol sa hinihinalang paglabag sa takdang proseso. Ang pullout ay nangyari matapos ang paglulunsad ng paunang pagtatanong sa giyera sa droga, na sinasabing nabahiran ng mga pag-aabuso sa karapatan.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na “not in a million years” na magkakaroon ng kapangyarihan ang ICC na idemanda siya.
-Genalyn Kabiling