Tinanggap ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ito matapos siyang hamunin sa isang man-to-man meeting.
Ito ay kasunod nang pag-akusa ni Duterte kay Zarate na ginagamit ang pondo ng New People’s Army (NPA) sa pag-aaral ng anak na lalaki sa Europe. Itinanggi na ito ng kongresista na isa ring taga-Davao City.
Iginiit at inulit ni Zarate na ang pag-aaral ng anak na si Xandro sa Poland ay mula sa legitimate sources, at hindi mula sa NPA. Tinawag siya ni Duterte bilang “hypocrite” at kinuwestiyon kung saan galing ang pera sa edukasyon ng anak sa Europe.
Sa kanyang weekly televised message sa bansa noong Lunes, inakusahan ni Duterte si Zarate na isang komunnista na tumatanggap ng pera mula sa revolutionary taxes na kinokolekta ng mga rebelde. rebels.
“In September 2017, my son Xandro, an only child, went to Poland and took up philosophy at Pope John Paul II University,” ani Zarate. “He came home in July 2019 to complete his bachelor’s degree in a school here. His tuition, board and other expenses were mainly sponsored by relatives residing abroad. His mother, a lawyer, and I also supported him within our means of income”.
Sa hamon kay Zarate na harapin siya nang lalaki-sa-lalaki, hinamon din niyang isama si dating Sen. Antonio Trillanes IV, matinding kritiko niya at dating isang Navy officer, para maging bodyguard.
“You are on top of it all. You are a chauvinist pig. You want to talk? Let’s do it just the two of us. I want to talk to you, call Bong Go. Do you want me to go to your house? Here in Manila, where do you live? Set aside NPA, NPA and communists. Let’s talk man to man,” anang Pangulo.
-Bert De Guzman