Inaresto ng mga tauhan ng Las Piñas City Police ang anim katao, kabilang ang isang guro matapos umanong maaktuhang nagtutupada sa lungsod, nitong Sabado.
Kinilala ni Col. Rodel Pastor, hepe ng pulisya, ang mga naaresto na sina Ian Karlo Matola, 33, binata; Jomar Aboc, 35, may asawa, at Royland Andaya, 27, binata, pawang taga-Castillo Park Subdivision, Bgy. Almanza Uno, Las Piñas City; Ronilo Aristo,56,may asawa, isang guro, taga-Block 3 Lot 4, San Isidro Village, Bgy. Almanza Uno; Leonard Villanueva,52,may asawa, taga-1537 J. Villanueva 2 St., Bgy. Almanza Uno,at Rodelio Dayuta,48.
Sa imbestigasyon ni SSgt. Joseph Tayabas, inaresto ang mga ito sa Villanueva II, Bgy. Almanza Uno, dakong 10:30 ng umaga.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang panabong, P3,300 na taya, at iba pang gambling paraphernalias.
Sasampahan ang mga ito ng paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Illegal Gambling.
-Bella Gamotea