CHICAGO (AP) — Hataw si Domantas Sabonis sa naiskor na 22 puntos, 11 assists at 10 rebounds para sandigan ang Indiana Pacers sa 125-106 panalo kontra Chicago Bulls nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si T.J. Warren ng 23 puntos at kumana si Victor Oladipo ng 22 para mahila ang dominasyon sa Central Division rivals sa 10-0 kabilang ang limang suniod sa United Center.

Nanguna si Zach LaVine sa Bulls na may 17 puntos, habang kumikig si Lauri Markkanen ng 16 puntos at siyam na rebounds.

CAVS 128, PISTONS 119

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Detroit, naitala ng Cleveland Cavaliers ang ikalawang sunod na analo nang ungusan ang Detroit Pistons, 128- 119.

Nanguna si Collin Sexton na may 32 puntos sa Cleveland.

“Multiple opportunities where we could’ve given in, multiple opportunities that we could’ve lost the fight,”pahayag ni Cavaliers coach J.B. Bickerstaff. “Every player, to a man, decided that was not going to happen. We will not quit and that’s a testament to those guys and building our identity.”

MAGIC 130, WIZARDS 120

Sa Washington, nabalewala ang triple-double ni Russell Westbrook nang gapiin ng Orlando Magic ang Wizards.

Tumipa si Westbrook ng 15 puntos, 15 rebounds at 12 assists para tanghaling ika-apat na player sa kasaysayan ng NBA na nakapagtaka ng triple-double sa unang dalawang laro. Nagawa ito ni Magic Johnson (twice), Jerry Lucas, at Oscar Robertson.

Nanguna si Terrence Ross sa Magic na may 25 puntos.