Umaangal ang mga mamimili dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng siling labuyo sa mga pamilihan sa Northern Metro area.

Sa ngayon ay nasa P1,500 ang kilo ng malalaking siling labuyo habang nasa P1,300 ang maliliit.

Ikinatwiran ng mga negosyante, mataas ang demand ng sili, lalo na ngayong holiday season at kulang ang supply kaya mataas ang presyo nito.

Dahil mabigat sa bulsa ang pagbili ng kilo-kilong labuyo, dumidiskarte ang mga vendor kaya ibinebenta na lang nila ito ng P20 kada tatlong piraso o P7 kada piraso.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Tumaas din ang presyo ng baboy matapos na pumalo sa P230 baway kilo ng liyempo at ang laman naman ay umabot sa P200 per kilo.

Ang manok naman ay nasa P182 per kilo.

-Orly Barcala