ANG online philantropist na si Wilbert Tolentino ay humahataw ngayon ang kanyang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Wala pang dalawang buwan pero almost 300,000 na ang kanyang subscribers habang sinusulat ito.

wilbert tolentino

Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.

Enjoy at nakakawala ng stress ang pagiging abala ni Sir Wil sa kanyang YouTube channel.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.

Si Wilbert ay hindi lang isang pilantropist kundi may title din siya bilang Mr. Gay World.

“Ang adbokasya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya.”

May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.

“Magkakaroon ako ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media at mga vloggers kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” lahad pa niya.

K, fine! More power to you Mr. Wilbert Tolentino! At aantayin ng marami ang iyong pasabog na gifts sa mga you tube subscribers mo today sa iyong VBlogs account.

-MERCY LEJARDE