Sinabi kahapon ni Speaker Lord Allan Velasco na ang taong 2020 ay pambihirang taon sa sambayanang Pilipino at maging sa buong mundo.
Sa kanyang Christmas message, sinabi niyang may oras na parang nawawalan ng pag-asa ang lahat at iniisip kung maibabalik pa ang normal na pamumuhay.
“There was a time when all seemed hopeless, and we were left wondering if we will all be able to return to our daily routines. There are those who lost their jobs, while others lost their loved ones. I sincerely sympathize with you in these trying times,” ani Velasco.
Gayunman, may pag-asa ang lahat hanggang nabubuhay. “But there is light at the end of the tunnel, and it is getting brighter,” sabi nito.
Nangako ito na gagawin ng Kamara ang lahat ng makakaya upang muling masilayan ng mga mamamayan ang liwanag na pag-asa at pangarap para sa mga Pilipino.
“As your House Speaker, I assure our countrymen that we will do all we can to get us all back to our feet and experience the joy we all once had before this pandemic. Mga kababayan, kasama niyo po kami sa Kongreso sa pagsalubong ng Kapaskuhan hawak ang bagong pag-asa at pangarap. Ito rin ay panahon ng pasasalamat at paggunita sa mga biyaya at buhay sa gitna ng pandemya,” ani Velasco.
-Bert de Guzman