KARAMIHAN handa nang salubungin ang Pasko kahit may pinagdadaanan sa buhay o may krisis man. Ang importante ma-celebrate natin maski papaano ang kapangananak ng ating Panginoong Hesukristo. Bagamat may pandemya ika nga nila tuloy na tuloy pa rin ang Pasko. Kumbaga walang makakapigil o makakahadlang kahit pa ang COVID-19 na iyan. Kaya naman ilang celebrities ang natanong ng Balita para sa Celebrity Forum na “Paano magcecelebrate ng Pasko ngayong may pandemya?” Heto ang kanilang mga kasagutan:
Regine Tolentino: “Staying at home with my family, having a good hearty home cooked meal, and family thanksgiving prayer, followed by exchange gifts.”
Direk Cathy Garcia Molina: “Dito lang po sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay kasama ko ang pamilya ko. Magdarasal na rin na sana ay matapos na ang pandemyang ito.”
Boobay: “Ako po ay bibyahe pa-Zambales to celebrate Christmas kasama po buong pamilya, pero siyempre safety first kaya kailangan susunod muna sa mga protocols. Magpa-swab test. Pag nakuha na result at negative, bibyahe na po kasama ng mga fur babies ko.”
John Gabriel: “Ngayong may pandemya nais ko pong i-celebrate ang Pasko kasama ang aking pamilya gaya lang din ng mga nakaraang Pasko na aming pinagdidiwang noong normal pa ang lahat. Halos wala ring magbabago dahil kahit nung walang pandemya ay pamilya ko ang lagi kong kasama. Siyempre ipinagdidiwang namin ang Pasko na may pagmamahal at galak dahil ito ay kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.”
Joed Serrano: “Sharing despite of our situation ngayon is still the best gift of hope sa lahat. So whatever meron ako or kaya ko I will try to be a Godfather to all.”
Betong Sumaya Jr.: “I-cecelebrate ko mag-isa dito sa bahay sa place ko. Pero ang maganda doon virtual Noche Buena with my family. So ganoon ang mangyayari. Kasi kaya ko nadecide iyon kasi gusto ko rin maging safe sila. Dahil hindi pa tayo makakapag-swab before mag-Christmas so ayaw natin i-put sa risk yung health siyempre ng family. Merry Christmas.”
Royce Cabrera: “Simpleng celebration lang naman kami ng pamilya sa Pasko. Sama sama kaming lahat, bigayan ng regalo at tamang handaan lang din para sa Noche Buena. Ngayong Pasko eh talaga hindi lang kami makakapasyal sa labas kasi pandemic pa rin eh mabuti nang safe muna tayo sa panahon ngayon. Kaya sa bahay na lang talaga kami muna magcelebrate ng buong pamilya.”
-DANTE A. LAGANA