KASE-CELEBRATE lang nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ng kanilang second anniversary as a couple, ay pinainit agad ang ulo ni Maine dahil ikinonek siya sa sex video. Ang layo-layo ng hitsura kay Maine ng girl na nasa video na nasisilip ang boobs at ang bahagi ng kanyang private part, kaya nakakagulat na may mga nag-akalang si Maine ‘yun.

maine

Kaya nag-react si Maine sa tweet na “TANGINAAAA??? PAKI-REPORT PLEASE!!! PROTECT MAINE MENDOZA AT ALL COSTS.” Sabi ni Maine, “Wtf??? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!?” at sa photo ng gurl, nag-comment si Maine ng “It’s not me ok.”

Medyo malabo rin yata ang mata ni Maine dahil hindi niya kamukha ang babae para sabihing sobra niyang kamukha. Kahit saang anggulo tingnan, hindi talaga si Maine ang nasa sex video.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Nag-react na rin ang management ni Maine, nag-issue ng warning si Rams David at sabi, “YOU HAVE BEEN WARNED!!!” at pinost ang tungkol sa Cyber Crime at sino ang mga makakasuhan.

-NITZ MIRALLES