HUWAG lang magtamo ng major injuries, posibleng magretiro si Calvin Abueva sa Phoenix.

Nitong Martes, kasama ang kanyang counsel na si sports agent Danny Espiritu, lumagda ang kontrobersyal forward ng tatlong taong maximum contract estention sa Fuel Masters na pag-mamay-ari ni businessman Dennis Uy.

Bagama’t walang binanggit na halaga ang kampo ni Abueva, inaasahang makakatanggap ang manlalaro ng hanggang P15,120,000 sa loob ng tatlong taon hindi pa kasama dito ang per-game, post-season at individual award bonuses.

Nauna nang pinatunayan ni Abueva na karapat--dapat sya sa nasabing kontrata matapos ang ipinakita niyang performance sa nakaraang PBA bubble sa Clark, Pampanga pagkagaling sa 16 na buwan na suspensiyon kung saan nagtala ito ng average na 13.67 puntos, 10.67 rebounds, 6.67 assists at 1.33 steals kada laro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Katuwang si Matthew Wright, pinangunahan nila ang Fuel Masters sa pagtungtong sa semis sa katatapos na 2020 PBA Philippine Cup kung saan nagtapos syang pangalawa sa statistical leaders. Marivic Awitan