Ang Pilipinas ay tila naglalaro ng “second fiddle” sa pagbili ng mga bakuna sa coronavirus dahil hindi tayo mayaman at walang “clout” hindi katulad ng mga mayayamang bansa na unang na-secure ang mga supply, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Aminado ang Pangulo na “no Pfizer vaccine available” para sa Pilipinas dahil ang mga bakunang ginawa ng US manufacturer ay unang naipamahagi muna sa mga Amerikano.

“May I just explain to the public the reason why we --- we seem to be a second fiddle in these negotiations for the acquisition of vaccine. Eh parang second --- second fiddle nga tayo, it’s because ‘yung mga mayaman na doon pa ginagawa sa kanila ang vaccine, kagaya ng Pfizer, uunahin talaga ang Amerika,” sinabi ni Duterte sa televised address nitong Lunes ng gabi

“We do not have the clout because we are not a rich nation,” dagdag niya.

National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

Sinabi ni Duterte na hindi pa malalaman kung kailan maaaring magkaroon ng karagdagang suplay ng bakuna ang Pfizer na maaaring magamit sa Pilipinas.

“There’s no such available vaccine sa Pfizer ngayon. Wala silang maibigay eh ginagamit nga sa Amerika eh, kinukuha,” aniya.

“Let us be clear on this, there is as yet no Pfizer vaccines available for the Philippines. And for a long time, wala pa. Binabakunahan pa ang mga Amerikano lahat. Agawan sila ngayon sa Amerika,” dagdag niya.

Sinabi ito ni Duterte matapos batikusin ang gobyerno sa umano’y pagkulang sa pagkakataong masiguro ang maagang pagbibigay ng mga bakunang coronavirus para sa mga Pilipino.

-Genalyn Kabiling