Kanselado ang bentahan ng lotto tickets, gayundin ang lotto draw sa mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, at sa Bagong Taon, Enero 1, na kapwa pumatak sa araw ng Biyernes.

Ito ay batay sa inilabas na anunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hinggil sa schedule ng pagbebenta ng lotto tickets at aktuwal na lotto draws para sa 2020 Kapaskuhan.

Samantala, sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko, at sa Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon, sinabi ng PCSO na ang selling period ay mula 7:00 ng umaga hanggang 11:15 ng umaga lamang para sa morning draw ng 3D at 2D Lotto habang 11:35 ng umaga hanggang 12:15 ng tanghali ang selling period para sa afternoon draw ng 3D at 2D Lotto.

Dakong 12:35 ng hapon hanggang 1:30 ng hapon naman ang selling period para sa evening draw ng 3D at 2D Lotto.

National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

Mayroon din 7:00 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon na selling period para sa Super Lotto 6/49 at Regular Lotto 6/42 at ang actual draw nito ay isasagawa ng mas maaga o ganap na 2:00 ng hapon.

Ang Keno ay may selling period mula 7:00 ng umaga hanggang 1:55 ng hapon.

Ipinabatid din ng PCSO na regular ang schedule ng lotto selling at draws mula sa Disyembre 26 hanggang sa Disyembre 30 gayundin sa Enero 2, 2021 onwards.

-Mary Ann Santiago