Inaasahan ng gobyerno na masiguro ang 60 milyong higit na dosis ng mga bakuna sa coronavirus sa ikalawa at ikatlong quarter ng 2021 kung ang ilang mga deal sa supply ang maisasapinal sa buwan na ito.

Sa pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nasa gitna ng pakikipag-usap ang gobyerno sa mga gumagawa ng bakuna sa Novavax at AstraZeneca upang makatiyak ng mga supply para sa bansa.

“Natutuwa po kami, Mr. President, marami pong positive results at ikukuwento po namin sa inyo,” sinabi ni Galvez sa kanyang pahayag na inilabas sa State television nitong Lunes.

Ipinaalam ni Galvez sa Pangulo na ang Serum Institute of India ay pumayag na magbigay ng 30 milyong dosis ng mga bakuna sa Pilipinas sa isang “non-profit, no loss concept” kung saan ibibigay ang mga bakuna sa mas mababang presyo. “A vaccine shot will cost around $5 or “P500 for two shots,” dagdag niya.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sinabi niya na tinitiyak din sa kanya ng kinatawan ng Indian company na hindi ito hihingi ng cash advance para sa pagbili ng bakuna ng bansa. “Ibig sabihin ‘yung lahat po ng transaction po natin magiging flexible. And he will comply with your guidance na wala pong cash advance,” aniya.

Mas maraming mga talakayan sa Novavax manufacturer ang gaganapin ngayong Miyerkules, sinabi ni Galvez.

“Makakausap po namin siya this coming Dec. 23 at nag-assure po siya na magbibigay po siya ng 30 million doses para po sa atin. Iyon po ay ‘yung Novavax. This is an American brand na gagawin po sa India,” aniya.

Ang isa pang supply deal sa AstraZeneca na nakabase sa United Kingdom para sa karagdagang 30 milyong higit na dosis ay maaaring tapusin sa loob ng buwan kung masiguro nito ang pag-apruba mula sa mga awtoridad sa regulasyon ng United Kingdom, ayon kay Galvez.

Ang gobyerno sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor ay nilagdaan noong nakaraang buwan ng isang supply deal para sa 2.6 milyong dosis ng bakuna mula sa AstraZeneca.

“Hindi po tayo bibitawan ng AstraZeneca,” sinabi ni Galvez sa Pangulo.

“Baka this coming next week, either Dec. 28 o 29, inaantay lang po namin ‘yung -- ‘yung Ministry of Health Regulatory Authorization ng UK at puwede na po naming pirmahan ‘yung ano po, ‘yung kontrata. Ito naman po ay 20 million doses at 10 million doses for LGU at saka po sa ating private sector,” aniya.

“So all in all po, kung magkakaroon po tayo ng pirmahan this coming month, mayroon po tayong 60 million for the second quarter at saka third quarter po,” aniya.

Tinukoy ng gobyerno ang P73 bilyon na mapagkukunan ng pondo para sa pagkuha ng mga bakunang coronavirus. Ang mga libreng bakuna ay una na ipamamahagi sa 24.6 milyong mga priority beneficiaries kabilang ang mga manggagawa sa kalusugan, mga nakatatanda, mahirap na mamamayan, at unipormeng tauhan.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbabakuna sa 60 milyong mga Pilipino sa COVID vaccines ay maaaring sapat na upang makamit herd immunity laban sa sakit.

-Genalyn Kabiling