BILANG pagdiriwang ng International Migrants Day, nanawagan ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa mga pamahalaan na siguruhin na ang lahat ng mga bata, kabilang ang mga refugees, migrants at displaced, ay magiging proyoridad sa pagresponde sa pandemya at sa recovery efforts.
Ibinahagi ng UNICEF, sa pamamagitan ng isang survey sa 159 bansa, na tinatayang
272 milyong international migrants sa buong mundo, 33 milyon ang mga bata, kabilang ang 12.6 milyong child refugees, at 1.5 milyong asylum-seekers.
Sinabi ng ahensiya na sa India pa lamang ay mayroon nang tinatayang 93 milyon child migrants.
Sa buong mundo, 21.5 milyong bata ang naging internally displaced dahil sa mga kaguluhan, karahasan, at kalamidad, dagdag pa rito.
“The results of this survey are a flashing red warning sign that the most vulnerable children are being left on their own to manage the fallout from the pandemic,” pahayag ni UNICEF Executive Director Henrietta Fore kamakailan.
“With the right support at the right time, children on the move can contribute invaluable talent to their new homes – skills that countries should leverage to recover from the pandemic,” aniya.
Nagpahayag ng pagkabahala ang UNICEF sa tumataas na negatibong pagtingin at pakikitungo sa mga bata habang patuloy na lumalala ang socioeconomic crisis dulot ng COVID-19 at milyon-milyong mga migrants ang nagbabalik sa kanilang pinagmulang bansa na nagpapataas sa antas ng unemployment.
Ayon sa ahensiya, 39 porsiyento ng mga opisina sa mga bansang ito ang nagtala ng pagtaas ng tensyon laban sa mga migrant at displaced populations gayundin ang mga nagbabalik-bansa, na ang bilang ay halos umabot na sa 50 porsiyento ng bansa sa “fragile contexts.”
“UNICEF calls for more global investment to support these children, and stands ready to work with governments to achieve the positive benefits that migration offers children,” saad pa ni Fore.
-Richa Noriega