BAGO magtapos ang taong 2020, umabot na sa 33 ang gintong medulla sa eKata ni world ekata No.1 rank James delos Santos.

Nakamit ng 29-anyos Pinoy karateka ang ika-33 gintong medalya nang pagwagigan ang Athlete’s E-Tournament Series nitong Lunes matapos ungusan ang Amerikanong si Alfred Bustamante, 25.66-25.06 sa men’s E-kata event.

Ang grand winner title ay iginawad sa kanya bilang No.1 ranked sa pagtatapos ng competition series.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na idineklara si De Los Santos na grand winner kasunod ng pangunguna nya sa Venice Cup at E-Champions Trophy World Series.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, hindi pa dito natatapos ang kampanya ni De los Santos dahil nakatakda nyang tapusin ang 2020 sa pamamagitan ng paglahok sa tatlo pang torneo para sa hangad na patatagin ang kanyang pagkakaluklok sa world No. 1 ranking.

“It’s not over yet. There are still 3 more tournaments for me to finish before I exit 2020 with a bang. One final push,” ani De Los Santos.

Target din nya na maging grand winner sa Katana Intercontinental League at E-Karate Games.

Noon lamang nakaraang weekend,nagwagi sya ng gold medals sa Okinawa E-Tournament World Series kung saan tinalo nya si Matias Moreno Domont, 25.34-24.48, ng Switzerland at sa 3rd Dutch Open E-Tournament kung saan iginupo nya si Silvo Cerone- Biagoni ng South Africa, 24.4-23.8.

Marivic Awitan