Mahigit sa 60 porsyento ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nagsabing lumala ang kanilang kalidad ng buhay ay sa nagdaang 12 buwan, ipinakita ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang nationwide survey na ginawa nang harapan sa kauna-unahang pagkakataon sa 1,500 mga respondent mula Nobyembre 21-hanggang 25 ay natagpuan na 62 porsyento ang nagsabing ang kanilang kalidad sa buhay ay lumala (“Losers”), 24% ang nagsabing ganoon pa rin (“Unchanged”), at 14%ang nagsabing napabuti ito (“Gainers”), kumpara sa isang taon na nakakalipas.

Sa marka ng Net Gainers na -48 (porsyento ng Gainers minus ang porsyento ng Losers), inuri ito ng SWS bilang napakababa (–49 hanggang –40).

Ang pinakabagong iskor ayon sa SWS, ay 28 puntos na mataas mula sa catastrophic -76 noong Setyembre 2020, pinalambot ang pinakapangit na kalakaran sa survey na SWS na nagsimula sa panahon ng krisis sa COVID-19 nang bumagsak ang Net Gainers sa mga catastrophic levels ng -78 noong Mayo 2020 at -72 noong Hulyo 2020.

National

NAIA security personnel, pinagbabawalan nang humawak ng passport ng mga pasahero

SWS shared that the survey question on quality-of-life trends in the past 12 months has been fielded 139 times since April 1983.

Ibinahagi ng SWS na ang survey question tungkol sa quality-of-life trends sa nakaraang 12 buwan ay ibinato ng 139 beses mula noong Abril 1983.

Natuklasan din ng SWS na ang gutom ay mas malaki sa Losers kaysa sa Gainers at Unchanged: ang hindi sinasadyang kagutuman ay 19 porsyento (15% na katamtaman, 4% na malubha) sa Losers, kumpara sa 12% (10% na katamtaman, 2% na malubha) sa Gainers, at 11% (7% na katamtaman, 3% na malubha, wastong bilugan) sa Unchanged.

Nabanggit na kumpara sa Setyembre 2020, ang Hunger o pagkagutom ay bumagsak ng 15 puntos sa Losers (mula sa 34%), ng 11 puntos sa Gainers (mula sa 23%), at ng anim na puntos sa Unchanged (mula sa 17%).

Sa kabilang banda, sinabi ng SWS na ang marka ng Net Gainers ay mas mababa sa kasaysayan sa mga Poor kaysa sa Borderline Poor at Not Poor. Nangangahulugan ito na ang Poor ay may maraming Losers at mas kaunting Gainers kaysa sa Borderline Poor at Not Poor.

Ang Self-Rated Poor ay ang mga kabilang sa mga kabahayan na ang ulo ng pamilya ay minarkahan ang kanilang pamilya bilang poor o “mahirap”. Ang katayuang ito siya ring estado ng lahat ng mga kasapi ng sambahayan.

Gayunpaman, mula Disyembre 2019 hanggang Nobyembre 2020, ang marka ng Net Gainers ay nahulog para sa lahat ng mga pangkat.

-DHEL NAZARIO